advertisement
Celebrity Life

'StarStruck' Batch 1's 20th anniversary: Where are they now?

1 of 14

Jennylyn Mercado

Kinikilala na ngayon ang first Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado bilang Ultimate Star. Bukod sa kanyang successful career, masaya rin sa buhay pamilya si Jennylyn. Siya ay may dalawang anak na sina Alex Jazz at Dylan Jade. Ikinasal si Jennylyn sa isang intimate wedding kay Dennis Trillo.

2 of 14

Mark Herras

Aktibo rin sa showbiz si Mark Herras. Sa kanyang huling interview sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ay masaya siya ngayon sa estado ng kanyang career. Ani Mark, "Ako 'yung tipo ng tao na nakukuntento ako. Kung nakuntento ako sa naramdaman ko at sa buong showbiz career ko, natulungan ko 'yung family ko, hindi naman ako nag-expect ng mas higher."

3 of 14

Yasmien Kurdi

Pagkatapos ng ilang taon sa showbiz, isa na ngayon sa mga kinikilala sa husay sa pag-arte sa GMA Network ang aktres na si Yasmien Kurdi.

advertisement
4 of 14

Rainier Castillo

Balik showbiz naman si Rainier Castillo pagkatapos ng ilang taon niyang pagpapahinga sa pag-arte. Kuwento niya sa kanyang interview sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' "Naramdaman ko po na siguro na ito na 'yung time."

5 of 14

Dion Ignacio

Isa sa mga hinangaang aktor si Dion Ignacio sa GMA Network. Siya ay huling napanood sa tinutukang serye sa GMA Telebabad na 'Royal Blood.'

6 of 14

Jade Lopez

Si Jade Lopez ay masaya ngayon sa kanyang buhay pamilya. Siya ay happily married kay Rocky Siccion at mayroon silang tatlong anak. Mapapanood ang ilang detalye sa kanyang buhay sa kaniyang YouTube channel.

advertisement
7 of 14

Sheena Halili

Ngayong 2023, happily married na rin ang 'StarStruck' graduate na si Sheena Halili. Siya ay ikinasal kay Jeron Manzanero noong February 2020. Ipinanganak naman ni Sheena ang kanilang anak na si Martina noong December 12, 2020.

8 of 14

Katrina Halili

Si Katrina Halili ay busy pa rin sa kanyang career bilang aktres. Ngayong 20th anniversary ng 'StarStruck' ay kabilang si Katrina sa seryeng 'Black Rider.'

9 of 14

Cristine Reyes

Hindi pa rin nawawala ang kinang ng aktres na si Cristine Reyes. Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang gumagawa ng mga serye at mga pelikula.

advertisement
10 of 14

Nadine Samonte

Balik showbiz na si Nadine Samonte pagkatapos ng ilang taon niyang pagpapahinga. Sa kaniyang pagpirma sa Signed for Stardom ng Sparkle GMA Artist Center noong Setyembre, sinabi ni Nadine na, "It's my time to shine again."

11 of 14

Alvin Aragon

Si Alvin Aragon ay hindi na active sa showbiz. Siya ay napangasawa ng former Sexbomb star na si Izzy Trazona.

12 of 14

Anton Dela Paz

Nag-guest si Anton Dela Paz sa 'Family Feud' noong April 19, 2023. Sa episode na ito ay inilahad na businessman na ngayon si Anton.

advertisement
13 of 14

Christian Esteban

Si Christian Esteban ay nakatira na ngayon sa Amerika. Sa vlog ni Mark ay ipinakita niya ang kanilang naging reunion nang nagbakasyon si Christian sa Pilipinas. Nakasama nina Mark at Christian ang iba pang mga kaibigan mula sa 'StarStruck.'

14 of 14

Tyron Perez

December 2011 nang ibinalita ang pagpanaw ng isa sa miyembro ng 'StarStruck' Season 1 na si Tyron Perez.