Celebrity Life

Jake Vargas, nahawa na kay Michael V sa pagpapatawa

By AEDRIANNE ACAR

Umamin si Kapuso heartthrob Jake Vargas sa exclusive interview ng GMA Network.com na kumportable na siya pagdating sa larangan ng pagpapatawa sa tulong na rin ng kanyang sitcom na Pepito Manalato: Ang Tunay na Kuwento.

Ayon kay Jake, hindi na daw niya halos nararamdaman ang pressure kapag ka-eksena ang mga comedy giants tulad ni Michael V sa Pepito Manaloto, dahil sobra daw gaan ng atmosphere sa taping.

Aniya, “Natural na lang para sa amin kasi si Kuya Bitoy talagang magaling 'yan mag-comedy so nahahawa na rin ako sa kanya, parang ganun kasi kapag nag-eeksena kami walang mabigat. I mean sobrang gaan ng eksena, 'tsaka lahat nagagawa ng maayos.”

Pinuri din ng Kapuso actor si Michael V na parte ng creative team ng kanilang show, dahil nakikinig daw ito sa mga suggestions ng kanyang mga co-stars.

Kuwento ng binata, “Si Kuya Bitoy tinatanong ko minsan.‘Kuya Bitoy paano ba gagawin ko dito? Paano bang atake gagawin ko?’ Tapos minsan siya kasi gumagawa [ng script] siya mismo ‘yung head writer, script writer siya. So, ‘yung iba dun na dialogue ko na parang tatanungin niya ako ‘Ikaw ba mas gusto mo ba ng ganito o ganyan? Nag-su-suggest din naman ako kahit papaano.”

MORE ON JAKE VARGAS:

Snuggle with Bae

Who's the girl who makes Jake Vargas smile again?