Celebrity Life

Aicelle Santos, ipinakilala na si Mark Zambrano sa kanyang pamilya at barkada

By AL KENDRICK NOGUERA

Tuloy-tuloy pa rin ang paglabas ng sweet Instagram posts ng rumored couple na sina singer-actress Aicelle Santos at GMA News reporter Mark Zambrano. Pero this time, hindi lang silang dalawa ang laman ng mga litrato.

READ: Aicelle Santos drops hints about being in love

Base sa photos na ibinahagi ni Aicelle, mukhang pormal na niyang ipinakilala si Mark sa kanyang mga kaibigan at pamilya.

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Wyn Marquez kahapon (May 4), makikita sa litrato si Mark na nakaakbay kay Aicelle.

 

Samantala, sa ibang post naman ni Aicelle, makikitang naroon si Mark kasama ang mga pinsan at ilang kaibigan ng Kapuso singer-actress.

 

Ang sweet! Sila na nga ba talaga?

MORE ON AICELLE SANTOS AND MARK ZAMBRANO:

TV reporter Mark Zambrano tweets Traffic Diva Aicelle Santos: "Be safe for me"

Mark Zambrano considers Aicelle Santos as a blessing

LOOK: Meet Mark Zambrano, the good-looking bae of Traffic Diva Aicelle Santos