Celebrity Life

Mark Herras, mabilis na naka-recover sa kinasangkutang aksidente

By MICHELLE CALIGAN

Back to work na si Mark Herras matapos masangkot sa isang car accident sa Katipunan Avenue, Quezon City noong nakaraang linggo. Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, hindi na nagbigay ng detalye ang aktor tungkol sa nangyari, pero wala daw dapat ipag-alala ang kanyang fans.

"I'm super okay. Wala naman akong sobrang injury. May mga sugat, konti lang, pero ang mahalaga ay okay na ako at nakakapagtrabaho na ko ulit," pahayag niya.

Nakatulong din daw ang pag-aalaga ng girlfriend na si Winwyn Marquez sa kanyang fast recovery. Very open na sila ngayon sa kanilang relationship.

READ: Mark Herras tells "I love you" to Winwyn Marquez

"'Yung mga pino-post ko at niya, at least nakikita ng mga tao. And I'm very proud to say na mahal ko siya. So we're going to keep it that way."

Muling mapapanood si Mark sa isang upcoming Afternoon Prime series kung saan makakasama niya ang kanyang StarStruck batchmates na sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili.

READ: Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili, magsasama sa bagong GMA teleserye

Video courtesy of GMA News

MORE ON MARK HERRAS:

Mark Herras on disciplining his daughter Sofia: "Ayokong mamalo ng bata" 

Mark Herras, naghayag ng pagmamahal para sa yumao niyang ina