TV

WATCH: Mark Herras, focused muna sa career at role sa 'Bihag'

By Cara Emmeline Garcia

Sa media conference para sa upcoming show na Bihag, nilinaw ni Mark Herras na mutual decision ang paghihiwalay nila ng aktres at beauty queen na si Wyn Marquez.

Mark Herras

Dahil dito, pinipilit ni Mark na mag-move on at nagdesisyon siyang mag-focus muna sa kaniyang career lalo na at mayroon siyang bagong Kapuso Afternoon Prime series na Bihag.

Physically and emotionally challenging daw ang role dahil mabibigat ang kanilang eksena sa set kaya willing to give his best si Mark at wala muna siyang panahon sa love life at dating.

Panoorin ang buong panayam ni Mark sa chika ni Aubrey Carampel:

Gagampanan ni Mark ang role ni Larry, isang pulis na susubukang i-solve ang kaso sa pagdukot sa isang bata. Makakasama ng aktor sina Max Collins, Jason Abalos at Sophie Albert sa serye.

Magsisimula ang Bihag ngayong April 1, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime.

Love and bittersweet revenge on GMA Afternoon Prime's newest series, 'Bihag'

Max Collins, mas ready nang magkaroon ng anak dahil sa 'Bihag'