Baninay Bautista at Bont Bryan, nakaranas ng pang-i-scam sa kanilang rental resort

Minsan nang na-scam ang magkasintahang content creators na sina Baninay Bautista at Bont Bryan.
Paano nga ba sila nakabangon at nakapagpalago ng negosyo?
Sa 'Pera Paraan,' kasama si Susan Enriquez, ibinahagi nina Baninay at Bont kung paano sila natangayan ng pera noong umpisa ng kanilang negosyo.
"'Yung naipon ko para dito sa resort, nawala 'yun na parang bula.
"Nung start pa lang talaga, na-scam ako ng almost PhP700,000," kwento ni Bont.
Gayunpaman, nagpursigi ang dalawa na makabawi, at kalaunan ay naitayo na rin nila ang kanilang Batangas rental resort na The Master's Cabin.
Patuloy na panoorin ang 'Pera Paraan,' tuwing Sabado, 11:15 ng umaga sa GMA.
Samantala, silipin ang resort nina Bont at Baninay rito:





