Celebrity Life

Alden Richards at Maine Mendoza, sorpresang binisita ang kanilang fan

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa isang Facebook post ni Rommel Molina, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat para sa phenomenal loveteam na Aldub.

Ayon kay Rommel, sina Alden Richards at Maine Mendoza ay sorpresang bumisita sa kanyang nag-iisang anak na naka-confine sa Philippine Children's Medical Center.

Kuwento ni Rommel, "Wish granted! Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa bumubuo ng ALDUB nation, Eat Bulaga, at iba. Sobra pong ikinagulat namin at ng anak ko ang inyong pagdalaw sa ospital ng PCMC."

Dagdag ni Rommel, masayang masaya ang kanyang anak sa pagdalaw ng kanyang mga iniidolo. Aniya, "Wala pong katumbas na kaligayahan ang naibigay nyo sa aking iisang anak. Alam kung super busy kayo pero naisinggit nyo ang pagdalaw sa aking anak...kami po ng aking asawa ay lubos na nagpapasalamat at napaunyakan nyo ang aming munting hiling...more power sa Eat Bulaga! Kay Alden Richards at Maine Mendoza sana marami pa kayong mapasaya at matulungan! God Bless! Thank you."

 

 

More on Alden Richards and Maine Mendoza:

AlDub and Tony Tuviera grace the cover of a business magazine

AlDub reminisces a private moment on their 49th weeksary