Showbiz News

Alden Richards, Maine Mendoza, reunite at AlDub Nation's homecoming event

By Gia Allana Soriano

Nagkasamang muli sina Alden Richards at Maine Mendoza sa homecoming event ng AlDub Nation recently.

Ani ni Maine, "Lagi naman po silang ganyan, parang every year siguro meron silang limang events."

Dagdag pa niya, "Tinatawag nga nilang for ADN [AlDub Nation] by ADN para rin mapakita rin nila sa amin din na 'yung supporta nila hindi nawawala."

Ang pagkain na sinerve sa event ay galing pa nga sa restaurant ni Alden. Nag-perform din ang ilan sa mahigit 100 scholars ng ADN sa event.

Kuwento ni Alden, "Nagiging purpose nung fandom ng AlDub Nation is to spread kindness.

“Kagaya ng mga scholarships na binibigay nila sa kabataan, all the charity works on behalf sa pangalan namin ni Maine."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: