Celebrity Life

Marian Rivera to Alden Richards: 'Mabait kang tao kaya binibiyayaan ka ng Panginoon'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ngayong Linggo, isa sa mga nakasama ni Alden Richards sa stage ng Sunday PinaSaya nang kanyang tanggapin ang kanyang 7x platinum award para sa 'Wish I May' album ay si Marian Rivera. Dahil rito, nagbigay ng mensahe ang Kapuso Primetime Queen para kay Alden.

Aniya, "Kami dito sa Sunday PinaSaya family mo, sobrang proud sa 'yo. Isa lang ibig sabihin niyan, mabait kang tao kaya binibiyayaan ka ng Panginoon."

"Saan ka pa? Ang ganda ng movie, nag-hit pa, may Maine (Mendoza) ka na, may platinum ka pa hindi ba?" dagdag ni Marian.

Bukod rito may mensahe pang ibinahagi si Marian sa mga taong patuloy na sumusuporta kay Alden.

"Ang totoong fans kahit anong marinig, kahit anong makita, kung totoong mahal ka hindi ka iiwan."

 

More on Marian Rivera:

LOOK: Marian Rivera brings smiles to children with cleft lip and palate

WATCH: Marian Rivera's #TrumpetsChallenge

DongYan, parang nagliligawan pa rin habang nanonood ng 'Imagine You & Me'