TV

WATCH: Marian Rivera, may birthday party sa 'Sunday PinaSaya' ngayong Linggo!

By Bea Rodriguez

Maligayang kaarawan, Queen Marian!

Isang engrandeng selebrasyon ang ipagdiriwang sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo, August 12 para sa kaarawan ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nakapag-celebrate na ang Kapuso star sa kanyang Super Ma'am family kagabi, August 9 at sa kaarawan niya mismo, makakasama niya naman ang kanyang Sunday PinaSaya family.

IN PHOTOS: Marian Rivera's intimate birthday party at home

Abangan ang magiging performance ng ating sexy momma at ang Puso ng Saya awardee na kanyang bibigyang parangal.