Celebrity Life

Solenn Heussaff, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay ng 'It Girls'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa Sarap Diva ibinunyag ni Solenn Heussaff kung ano ang mga nagbago sa mga "It Girls" ngayong isa-isa na silang nagpapakasal at nagkakaroon ng anak.

Kuwento ni Solenn kay Regine Velasquez-Alcasid, wala masyadong nag-iba sa dynamics nila dahil isa pa lamang ang may anak. Ito ay ang model/ businesswoman na si Bea Soriano-Dee.

"For now, wala masyado kasi si Bea Soriano lang." pahayag ni Solenn.

 

Ibinahagi rin ni Solenn na pakiramdam niya magkakaroon lamang ng pagbabago kapag nanganak na si Georgina Wilson.

Aniya, "I feel na when Georgina gives birth na, I feel kasi siya 'yung pinaka-ayaw ng anak dati."

 

Dagdag ni Solenn, "Sabi niya 5 years from now, 6 years ganun. I'm sure mag-iiba ang dynamics ng buong group. We'll see."

Masaya naman umano ang kanilang grupo sa kanilang mga careers at personal na mga buhay. Saad niya, "Masaya naman. Happy kaming lahat. Feeling ko next year, wala ng It Girls, It Mrs. na."

MORE ON SOLENN HEUSSAFF:

Solenn Heussaff releases self-titled album

WATCH: Solenn Heussaff chills on board the largest floating bar in Asia located at Lakawon Island