Celebrity Life

Kristoffer Martin receives acting nomination for 'Magpakailanman' role

By MARAH RUIZ

Excited na ibinahagi ni Kapuso actor Kristoffer Martin ang nominasyong natanggap niya mula sa 30th PMPC Star Awards for Television. 

Nominado si Kristoffer para sa kategoryang Best Single Performance by an Actor para sa kanyang pagganap sa Magpakailanman episode na Mag-Ama sa Bilangguan. 

 

"Another blessing! Yung mahanay ka lang sa mga iniidolo mong aktor priceless na eh. Bonus na lang pag nanalo. Thank PMPC for acknowledging my performance for Magpakailanman: Mag- ama sa Bilangguan! Thank you Lord," sulat niya sa kanyang caption. 

Ang PMPC Star Awards for Television ay taunang parangal ng Philippine Movie Press Club para sa mga standout na palabas at mga mahuhusay na aktor sa telebisyon. 

MORE ON KRISTOFFER MARTIN:

Kristoffer Martin at Joyce Ching, #ExGoals

WATCH: Kristoffer Martin at Joyce Ching, hinirang na ambassadors ng film advocacy