Celebrity Life

Rocco Nacino on Sanya Lopez: 'Crush material'

By AL KENDRICK NOGUERA

"Crush material, definitely," 'yan ang bungad ni Rocco Nacino nang tanungin siya tungkol sa ka-love team niya sa Encantadia na si Sanya Lopez.

Single ngayon si Rocco kaya't marami ang nali-link na girls sa pangalan niya. Isa na nga rito ang Kapuso actress na si Sanya. Kuwento ng aktor sa interview ng 24 Oras Weekend, nagagandahan daw talaga siya sa gumaganap na Sang'gre Danaya sa iconic GMA telefantasya.

"She's wonderful, she's beautiful. Sino ang 'di magkakagusto sa kanya di ba," pahayag ni Rocco.

Bukod pa sa ganda ni Sanya, pinuri rin ni Rocco ang physical appearance ng GMA Telebabad co-star. Aniya, "Sa costume pa lang kita mo na 'yung itsura eh. Sabi ko 'Sanya, grabe 'yung abs mo.' Ang lakas-lakas kumain pero sexy pa rin. Nakakainggit."

MORE ON ROCCO NACINO AND SANYA LOPEZ:

Playlist: Sanya Lopez – Para Sa Pag-ibig ('The Millionaire's Wife' theme song)

#EncaTweetSerye: Sanya Lopez at Rocco Nacino, nagkakamabutihan sa Twitter?

EXCLUSIVE: Sanya Lopez reacts to her audition video for 'Encantadia'