Celebrity Life

Camille Prats reunites with girls from her iconic movie after 22 years

By OWEN ALCARAZ

Maaring hindi na kilala ng mga bata ngayon ang karakter na si 'Sarah: Ang Munting Prinsesa' pero kung ikaw ay isang batang '90s siguradong matatandaan mo kung sino ang batang babae na bumida sa local film version nito; pati na rin siguro ang ibang batang babae na nakasama pelikula.

Fast forward to 22 years after, muling nagkita-kita ang ilan sa mga kabataang babae na nakasama sa pelikula na pinagbidahan noon ni Kapuso actress Camille Prats.

Ito ay matapos banggitin ni Camille sa programang Mars na nagbabalak ang mga girls mula sa nabanggit na pelikula na magkita-kita.

Agad namang nag-post ng mga larawan si Camille ngayong araw, April 30, na natupad na ang reunion na plano nilang magkaka-ibigan.

 

Kamakailan ay muli ring nagkasama si Camille at ang good friend nitong si Angelica Panganiban para sa first birthday celebration ni Lily Feather, pamangkit ni Camille kina John Prats at Isabel Oli.

MORE ON CAMILLE PRATS:

WATCH: Camille Prats, pinaglilihian si Jerald Napoles?

WATCH: Camille Prats, nag-Princess Sarah kasama ang asawa niyang si VJ Yambao sa 'Sarap Diva'

Camille Prats, umaming naging komplikado ang pag-i-explain ng relasyon nila ni VJ Yambao sa kanilang mga anak

Photos by: @anipearlaquino(IG)