Celebrity Life

WATCH: Mikee Quintos, paano pinagsasabay ang showbiz at pag-aaral?

By Bea Francine Rodriguez

 

Maituturing working student ang 19-year-old Kapuso actress-slash-student na si Mikee Quintos na kasalukuyang kumukuha ng kursong Architecture sa University of Santo Tomas sa Manila.

12 years old pa lang daw siya nang mapili niya ang kanyang kurso sa kolehiyo sa pamamagitan ng college brochures ng kanyang Ate Denise.

“Doon ako pinaka na-excite [at] iyon ang pinakatumawag sa akin na program,” kuwento niya sa Tunay na Buhay. Interesado rin siya na makakita ng mga magagandang istraktura kung saan-saan.

Bukod sa pag-arte at pagkanta, bihasa rin si Mikee sa drawing at painting kaya bagay na bagay sa kanya ang kurso at karera niya sa showbiz.

Ngunit, hindi raw ito madaling pagsabayin, ayon sa rising star. Aniya, “I’m not [going to] deny [kasi] medyo struggle siya. Mahirap, pero if you want something, you work for it. It is stressful, but I’m thankful for this. Every time I feel na pagod ako, nafi-feel ko kung gaano ako ka-blessed kasi pagod ako sa something na ginagawa ko [na] love ko.”

Ayon pa sa kanyang propesor na si Architect Andrea Amador, “Mikee is the kind of student who does what she says she will do. When I give her parameters, she makes sure she always deliver.”

Video from GMA Publie Affairs