Celebrity Life

WATCH: Andrea Torres, sisimulan ang bagong taon sa pagpasyal sa Australia

By Marah Ruiz

Maganda ang naging 2017 ni Kapuso actress Andrea Torres.

Napuno kasi ang kanyang kalendaryo ng mga project tulad ng Alyas Robin Hood at Metro Manila Film Festival movie na Meant To Beh.

Sa 2018 daw, sisimulan niya ang kanyang taon sa pagbisita sa kanyang kuya na nasa Australia.

"At least 'di ba mas magiging motivated ako. Every time na nagnu-New Year laging ang goal ng mga tao, to be fit, to be healthy. Mas magiging motivated ako dahil alam kong may beach trip ako," kuwento niya.

Pagkatapos nito, back to work na daw si Andrea at magpa-plano para sa mga project niya sa 2018.

"Nae-excite din ako kasi wala akong idea kung saan nila ko dadalhin—kung mas magpapa-sexy ba kami or mas magfo-focus ba kami sa action or drama or comedy," aniya. 

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: 

Video from GMA News

Photo by: andreaetorres (IG)