Celebrity Life

Lolit Solis, biktima ng fake social media accounts

By Cherry Sun

Kahit si Lolit Solis ay hindi nakaligtas sa mga pekeng social media accounts.

Napag-alaman ng beteranong talent manager at talk show host na ilang pekeng accounts sa Facebook at  Twitter ang gumagamit ng kanyang pangalan.

Paglinaw niya, “Ito lang Instagram meron ako at si Salve pa administrator ko dahil nga may pagka jurassic pa ako at hindi pa techie. So iyon mga lumalabas na twitter at facebook, fake po iyon. Wala akong alam dun at hindi akin iyon.”

“Baka lang po magamit iyon Twitter at Facebook sa isang hindi magandang pangyayari ako na naman ang malagay sa alanganin,” pag-alala rin niya.