Celebrity Life

Bianca Umali, sariling disenyo ang susuoting gown sa kanyang debut

By Michelle Caligan

In full swing na ang preparations para sa nalalapit na 18th birthday celebration ni Kambal, Karibal star Bianca Umali sa Sabado, March 17.

WATCH: Bianca Umali's teaser for her upcoming debut, #SimplyBianca

Sa press conference para sa kanyang debut party, nagkuwento ang aktres tungkol sa susuoting gown.

Aniya, "'Yung main gown is by a Filipino designer based in Dubai. Her name is Fay Reyes. Kilala siya ng stylist ko, si John Paul Dizon. They worked together because my stylist, of course, alam niya kung ano ang gusto ko."

 

Dagdag pa ng dalaga, sarili niyang disenyo ang gown na ito.

"I had a design in mind noon pa at matagal ko nang ipinakita sa kanya. They're going to make it happen. Nanggaling po siya sa Dubai because mahirap po siyang gawin dito."

Ayaw pa sabihin ni Bianca kung ano ang kulay o style na kanyang napili. "I want it to be a big surprise kasi talagang binigay ko na lahat ng efforts ko into it."

Samantala, sinabi na niya ang mga lalaking magiging bahagi ng kanyang 18 roses.