Celebrity Life

EXCLUSIVE: Joyce Ching, hanga sa faith ni Joyce Pring

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Joyce Ching sa isang exclusive interview na isa sa kanyang hinahangaan kay Joyce Pring ay ang kanyang faith.

Ayon kay Joyce Ching noong unang beses pa lamang nilang nagkakilala ay nakita niya na ang tatag ng pananampalataya ni Joyce Pring. "We have the same faith, parehas naming love si Jesus. First time kong nakita at na-encounter 'yun noong Kapuso countdown kasi same dressing room kami tapos parang magdi-dinner yata siya. Tapos nag-pray lang sila together with her makeup artist."

 

Nagulat din ang nakababatang Joyce dahil naririnig niya ang mga dasal nito. 

"Sobrang haba ng prayer nila. As in naririnig namin na oo nga nagpi-pray sila even doon sa prod na gagawin nga ni Ate Joyce. Nakakatuwa then na-surprise ako doon saka not a lot of people would pray out loud na parang dito tayo sa gilid, tahimik lang tayo ganun. Pero sila, na-amaze ako."