Showbiz News

EXCLUSIVE: Joyce Ching, ibinahagi ang ECQ life nila ng asawang si Kevin Alimon

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Joyce Ching ang estado ng kanyang buhay ngayong naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Kuwento ng Kapuso star sa exclusive interview ng GMANetwork.com, may magandang naidulot sa kanya ang ECQ dahil nagsilbi itong oras para magpahinga.

Dagdag pa niya, sanay siyang nasa bahay lang kaya hindi naging mahirap sa kanya ang naging adjustment.

"Mabuti naman kasi nakakapag-rest ako. So far hindi pa naman ako sobrang naiinip sa bahay kasi medyo taong bahay rin ako, so medyo sanay rin ako na nasa bahay lang.

"Hindi pa rin naman ako nasisiraan ng bait dahil yung kapatid ng husband ko, sa baba lang namin sila nakatira.

"So minsan nagkikita-kita pa rin kami. Sabay-sabay kumain, so medyo okay pa naman."

Kinuwento rin ni Joyce ang mga naging epekto ng COVID-19 pandemic at enhanced community quarantine sa kanilang mag-asawa.

Nitong December 8, 2019 lamang sila ikinasal sa Baguio City.

"Before, Monday to Friday yung work ni Kevin, tapos 9 to 5 p.m. So 'yung time namin together, talagang 24/7 magkasama talaga kami. Siguro mas nabago rin is 'yung pagiging patient and mas understanding sa mga tao sa paligid.

"Like sa government, sa mga nagra-rant sa social media. Parang na-increase rin 'yung patience talaga and understanding sa mga tao."

Hindi naman umano sila nag-panic sa preparation nang i-announce ang enhanced community quarantine.

"Hindi naman kami sobrang OA nag-prepare. Si Kevin siguro mga once every two weeks lumalabas siya to buy groceries. So 'yun lang, 'yung pagkain lang and medyo inisip na din namin, kung paano namin iba-budget yung pagkain namin kasi ayaw din naman namin mag-hoard ng super dami."

Panoorin ang kabuuan ng interview ni Joyce sa Kapuso Showbiz News.

Joyce Ching and Kevin Alimon does the "Spicy Noodle Challenge," with a twist!

Joyce Ching gives her husband, Kevin Alimon, a buzzcut