Celebrity Life

LOOK: Kevin Santos, isa nang licensed pilot!

By Felix Ilaya

Sa pamamagitan ng Instagram inanunsiyo ng Kapuso comedian na si Kevin Santos na siya ay isang nang licensed pilot.

Sa isang post ay idinetalye ni Kevin ang mga paghihirap na kaniyang pinagdaanan sa sunod-sunod na exam para lang maisakatuparan ang kaniyang pangarap.

Aniya, "Pumasok sa isip ko, '2nd year high school lang ako. Kakayanin ko kaya lahat to?' Nagdasal lang ako nang nagdasal at sinamahan ko ng sunog kilay na pag-aaral. — Awa din ng Diyos, pasado lahat. Sarap lang sa pakiramdam na kahit 2nd year high school lang ako, nakaya ko tapusin ang unang yugto tungo sa pangarap ko basta nandiyan ang salitang 'mag-aral mabuti' walang imposible. Minsan babagsak ka pero hindi to handlang para tumigil ka."

 

Pinost din niya ang picture ng kaniyang lisensya.

 

And look, gwapong-gwapo si Kevin dressed in his pilot uniform.


Congratulations, Kevin!