Celebrity Life

WATCH: Kevin Santos, lisensiyado na bilang isang private pilot

By Marah Ruiz

Nakuha na ni Kapuso actor Kevin Santos ang kanyang lisensiya bilang isang private pilot.

Kevin Santos

Ibig sabihin nito, maaari siyang magpalipad ng ilang piling klase ng mga private aircraft.

Matapos daw nito, gusto niyang tumuloy sa pagiging isang commercial pilot o 'yung nagpapalipad ng pampasaherong eroplano para sa airlines.

"Yes, diretso na 'to. Habang naka-break, habang hinihintay ko 'yung check flight, nag-ground schooling na ko for commercial pilot. Natapos ko na siya.

“Flying na lang 'yung ibi-bill ko and another check flight na naman pero mas bigger plane na," kuwento ni Kevin.

Hindi raw naging madali para sa kanyang ang pag-abot ng kaniyang pangarap na maging piloto.

May kamahalan kasi ang mga kursong ito kaya malaking bahagi ng kinikita niya sa pag-aartista ang inilalaan niya para rito.

"Ninety percent nandito. So far, nakaka-survive naman.

“'Yun nga lang, medyo hindi na ko nakakalabas ng bahay. Hindi ako nakakagimik.

“Wala nang ganoon simula last year pa. Wala na kong labas ng bahay kasi focus ng aral and, siyempre, kailangan magtipid dahil sa food and support sa family," aniya.

Panoorin ang pasilip ni Kevin sa kanyang aviation school sa feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay:

EXCLUSIVE: Kevin Santos, mas pinipili maging natural sa pagpapatawa sa 'Daddy's Gurl'

EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'