Celebrity Life

WATCH: Vaness del Moral, ibinahagi ang kanyang love story

By Marah Ruiz

Nitong nakaraang Pebrero lang ikinasal si Kapuso actress Vaness del Moral sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Matt Kier.

Intimate ang kanilang wedding ceremony kung saan kasama nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan. 

Kuwento ni Vaness, kababata niya si Matt at magkakilala na ang kanilang mga magulang bago pa man sila ipinanganak.

"Actually, bago pa kami ipanganak, magkakilala na 'yung mga magulang namin—hanggang sa nagkaroon sila ng mga anak. So magkakilala na kami, ganoon pa lang," kuwento niya.

Hindi daw sila madalas magkita noong lumaki na sila at sa isang birthday celebration sila nag-reconnect.

Ayon kay Vaness, hindi naman siya masaydong nahirapan sa transition nila ni Matt from friends to lovers.

"Nag-grow din naman siya kaagad. Parang hindi mo na-realize pero attracted ka din pala sa kanya," paliwanag niya.

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay: