Celebrity Life

Jason Abalos, hindi nakilala sa Isabela?

By Marah Ruiz

Dumalo si Kapuso actor Jason Abalos sa Grand Santacruzan sa Santiago, Isabela kasama ang kanyang longtime girlfriend at beauty queen na si Vickie Rushton.

Isang nakakatawang kuwento tungkol dito ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Ayon sa aktor, napagkamalan siyang ibang tao—partikular na ang kanyang celebrity lookalikes na sina Rayver Cruz at JC de Vera.

Gayunpaman, mas masaya siya dahil mas maraming nakaalala sa kanya bilang kanyang The One That Got Away character na si Gael. 

"Kwento ko lang, walang tumawag sa akin kanina ng pangalan ko, ung dalawa tinawag akong Rayver, ung isa JC, pero karamihan tawag sa akin Gael. Agyamanak Santiago Isabela," sulat niya sa caption ng kanyang post. 

Pangako din niya na patuloy na magdadala ng saya bilang Gael sa telebisyon.

"Sana napasaya namin kayo ni @vimrushton .. at pag bubutihin pa namin ang #totga para mabigyan kayo ng entertainment at masamahan pa kayo gabi gabi..," pagpapatuloy niya.