Celebrity Life

LOOK: US-based Filipino singer Carol Banawa is a certified RN!

By Rowena Alcaraz
Published May 6, 2018 1:01 PM PHT
Updated May 6, 2018 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Nakatakdang dumalo sa kanyang nalalapit na Nursing Pinning Ceremony ang singer na si Carol Banawa. Congratulations!

Kasama sa mga magtatapos ngayong 2018 sa kursong nursing ang US-based Filipino singer na si Carol Banawa.

Ibinahagi niya ito mismo sa kanyang social media account.  Sulat niya: "Ecstatic. Blessed. Grateful.  #soon #graduation2018"

 

 

Una nang naiulat na nag-aaral si Carol abroad.

 

Taong 2003 nang mag-break sa Philippine music scene si Carol upang tutukan ang pagpapagaling ng ama na na-expose sa carbon monoxide poisoning.

Bukod sa pamamalagi sa America, kasal na rin si Carol sa isang military man na nagngangalang Ryan Crisostomo. Mayroon na din siyang dalawang anak, sina Chelsea at River. 

IN PHOTOS: Celebrities na pinili ang tahimik na buhay sa ibang bansa

Huling naging laman ng balita ang singer matapos mapasama ang kanyang sumikat na awiting "Bakit 'Di Totohanin" sa isang episode ng American TV series na "The Vampire Diaries."