Celebrity Life

LOOK: Arthur Solinap's birthday surprise for wife Rochelle Pangilinan

By Jansen Ramos

Husband goals ang Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento star na si Arthur Solinap matapos niyang sorpresahin ang kanyang asawa na si Rochelle Pangilinan para sa 36th birthday nito noong May 23.

Proud na ibinahagi ni Rochelle sa Instagram ang sweet surprises ng kanyang asawa kabilang na ang pagbibigay ng cake pagsapit ng midnight.

 

"May pa-cake pa ng eksaktong 12. Talaga nga namang I’m in love eh," kilig na caption ng Onanay star.

Ibinahagi rin nila ang kanilang sweet photos mula sa kanilang romantic dinner.

 

"Maraming salamat sa lahat lahat, mahal na mahal kita," mensahe ni Rochelle kay Arthur.