Celebrity Life

LOOK: Carla Abellana, binisita ang Fil-Am high school students sa California

By Bea Rodriguez

Paglapag sa Estados Unidos, unang binisita ni Kapuso star Carla Abellana ang mga Filipino-American students sa Sweetwater High School sa San Diego, California.

 

May Filipino organization na ang tawag ay Mabuhay Club ang naturang high school na nagtuturo ng wikang Filipino.

“It was an honor meeting Filipino high school students who are proud to be Filipino. I hope more of the Filipino youth in America are just as proud of their culture and heritage,” ani ng aktres sa social media na pinasalamatan ang mga estudyante, pati na rin si Vice Mayor Albert Mendivil.

 

 

Kasabay ng mga Pilipino sa Amerika si Carla sa pagdiriwang ng Independence Day ng Pilipinas sa Mabuhay Festival kahapon, June 2.