Celebrity Life

LOOK: Carla Abellana, binigyan ng surprise birthday party sa California!

By Bea Rodriguez

Saktong sa Independence Day, June 12 isinilang ang ating Kapuso star na si Carla Abellana.

Lumipad patungong Estados Unidos ang aktres para makiisa sa Independence Day celebration ng mga Pinoy sa Mabuhay Festival sa San Diego, California kahapon, June 2.

Bilang guest of honor ng piyesta, inimbitahan ng Mabuhay Festival organizers at Filipino community leaders si Carla sa isang dinner kagabi. Lumabas itong isang surprise birthday party para sa Kapuso star.

 

Sinundo ang aktres patungo sa bahay ni Mr. Ben Camacho kung saan ipinagdiwang ang kanyang early birthday celebration.