Showbiz News

MUST-SEE: Tom Rodriguez, humabol sa US para makasama si Carla Abellana sa Mabuhay Festival?

By Bea Rodriguez

Sunod-sunod ang sorpresa na natamo ni Kapuso star Carla Abellana sa kanyang pagbisita sa San Diego, California para sa Mabuhay Festival kahapon, June 2.

Bukod sa surprise birthday party para sa aktres, tila nakasama rin ni Carla ang kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez para ipagdiwang ang Independence Day kasama ang Filipino community sa Amerika.

 

 

Hindi lang ang aktres ang nagbigay saya dahil pati na rin si Tom ay may malaking smile na labas ang dimples para sa kapwa niya Fil-Ams.

Nagpasalamat si Carla sa Mabuhay Festival at GMA Pinoy TV para sa oportunidad na makasama ang ating mga Kapuso sa California.