Celebrity Life

WATCH: Kris Bernal, ipinasilip ang naipundar na bahay sa Amerika

By Bianca Geli

Labis ang tuwa ni Kris Bernal nang ipasilip ang bagong bahay sa California, USA.

Ipinakita ni Kris sa kaniyang Instagram stories ang biniling bahay sa Amerika, na mula sa kaniyang ipon at pagsusumikap.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nasa Amerika si Kris para sa Mabuhay Festival kasama sina Rocco Nacino at Carla Abellana nang ipakita niya ang kaniyang nabiling bagong tahanan.

Kuwento ni Kris, "I still couldn't believe that we already have our own home here in America, like we can call it ours. And it's just overwhelming, it's pure hardwork."

Nagbigay rin ng house tour si Kris via Instagram stories at ipinakita ang kaniyang favorite spots sa kanilang bahay. 

Ikinatuwa rin ng aktres ang muling pamamasyal sa San Francisco matapos ang 7 taon. Kasama sa paglilibot ni Kris ang ate niyang si Katie, na dalawang taon niya nang hindi nakakasama.

LOOK: Kris Bernal visits San Francisco after 7 years

Panoorin ang 24 Oras report.