Celebrity Life

MUST-READ: Lolit Solis, gustong pagalitan si Pauleen Luna dahil kay Baby Talitha

By Bea Rodriguez

 

Si Manay Lolit Solis, cute na cute rin sa anak nina Bossing at Poleng!

Papagalitan na raw ng veteran showbiz reporter ang maybahay ni Vic Sotto na si Pauleen Luna dahil ginagawang manika si Baby Talitha, “Gigil na gigil sa bata, pinaglalaruan, inaayusan at dinadamitan ng kung anu-ano at ginagawang laruan.”

Kung sa bahay, sa ganitong pamamaraan ipinapakita ng TV host ang pagmamahal sa kanyang baby girl. Nakakatuwa rin daw panoorin si Bossing na karga ang anak na tila ay mas mabigat pa umano sa kanya.

 

Ayon kay ‘Nay Lolit, madalas nagpo-post si Pauleen tungkol kay Baby Talitha dahil proud ito sa kanyang baby girl na siyang nagbibigay kasiyahan sa mag-asawa.

Sinang-ayunan naman ito ng Dabarkads host at nag-comment sa post na ito ni Nanay Lolit.

 

 

Pakiusap rin ng showbiz commentator na huwag tayong maging harsh sa baby photos na nasa social media, “If you cannot say something good, don’t say a word. Be kind [dahil] mga angel ang mga batang iyan [at] huwag natin idamay sa ugliness ng mundo. Chill lang. Just enjoy them, [and] see them grow up na parang anak natin. Live and love.”