Celebrity Life

WATCH: Regine Velasquez, Marian Rivera at Yasmien Kurdi, gaano ka hands-on sa anak?

By Bea Rodriguez

Busy man ang Kapuso celebrity mommies na sina Regine Velasquez, Marian Rivera at Yasmien Kurdi, hands-on pa rin sila sa back-to-school preparations ng kanilang kids.

Grade one na ang unico hijo ni Asia’s Songbird kaya kailangan na mag-focus ni Nate sa kanyang pag-aaral. May pagka-disciplinarian pala si Mommy Reg, “Tinanggalan ko ng iPad so nagbabasa siya. Mas malaki pa sa kanya ‘yung libro.”

 

Bago naman pumunta sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, inihahanda na lahat ni Yas ang mga kakailanganin ni Ayesha sa school.

Kuwento niya sa Unang Hirit, “Naglalaan talaga ako ng araw with her, ‘yung mga kailangan niyang gawin para hands-on pa rin ako sa kanya kung ano’ng gagawin niya [like] activities for the day.”

 

Ang two-year-old toddler naman ni Kapuso Primetime Queen na si Baby Zia ay pinasok niya sa playschool at iba’t ibang workshops, “Tapos na siya sa page-gymnast so try ko siya enroll sa ballet.”

 

Ayon kay Yan, mahalaga ang pagbibigay ng oras at paggabay sa anak. Ani, “Mararamdaman naman ng anak mo kapag sincere ka at para sa kanya naman ‘yung ginagawa. For sure, susundin iyon. Wala namang anak na hindi susundin ang nanay nila eh.”