Celebrity Life

Mike Tan, may panawagan laban sa kanyang poser sa Instagram

By Michelle Caligan

Hindi na bago ang pagkakaroon ng posers at fake accounts sa social media ng celebrities. Kung ang iba ay hindi ito pinapansin, si Kapuso actor Mike Tan ay nanawagan laban dito.

READ: Andrea Torres, biktima ng fake social media accounts 

Sa kanyang Instagram account, nilinaw ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka star na ang Instagram handle na @imiketan lamang ang kanyang account sa naturang photo sharing platform.

LOOK: Mike Tan, magiging tatay na!

 

"If you spot another UNVERIFIED account of me on Instagram, please click: 1. Report --> 2. It's inappropriate. --> 3. It violates community rules. --> 4. This account impersonates someone I know. Thank you!" saad niya sa caption.