Celebrity Life

Paolo Contis, ibinahagi kung bakit siya napapasaya ni LJ Reyes

By Maine Aquino

Wala mang espesyal na okasyon ay naghanda pa rin ng sweet na mensahe si Paolo Contis para kay LJ Reyes.

Ayon kay Paolo ang kasiyahan ni LJ ang nakakapagbigay ng kasiyahan sa kanyang buhay. "It feels like heaven whenever i see you this happy! I love you so much my beautiful buntit.!!"

Dahil kilalang komedyante si Paolo ay nilinaw niyang walang punchline sa kanyang mensahe. Nais lamang niyang ihayag umano ang kanyang pagmamahal para kay LJ na ipinagbubuntis ngayon ang kanilang anak.

WATCH: LJ Reyes and Paolo Contis finally reveal their baby's gender

Aniya, "Walang punchline tong post na to.. wag na kayo mag hintay! 😂😂😂 nagpapa-sweet lang ako!"