Celebrity Life

LOOK: Robin Padilla bonds with his grandkids

By Jansen Ramos

"Remarkable feeling."

'Yan ang paglalarawan ng dating aktres na si Queenie Padilla matapos muling makapiling ang kanyang pamilya.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang video ng bonding moment ng kanyang anak na si Mustahsina Mikhaila Mir at ng anak ni Kylie na si Alas Joaquin, kasama ang kanilang amang si Robin Padilla at ang youngest daughter nito na si Isabella.

Si Isabella ang anak ni Robin sa actress-TV host na si Mariel Padilla.

LOOK: Kylie and Queenie Padilla's kids play together


Sinabi ni Queenie sa kanyang caption na hindi siya maka-move on sa masayang pangyayaring ito. Pinasalamatan din niya ang kanyang ama at ang asawa niyang si Mariel.

"Happiness. It's such a remarkable feeling. It's like flying into another universe, in a speed of light.

“The whole world just stops. It's just you and the positive energies you absorb. And the stars, the galaxies, the planets revolve around you.

"Thank you Papa and Tita Mariel for this magical day! I still can't get over it!"

Ipinost din ni Kylie sa Instagram ang larawan ng kanyang ama kasama si Baby Alas.


"Moments money can't buy." saad ng aktres sa caption.