Celebrity Life

Simpleng buhay ni John Lloyd Cruz, hinahangaan ng netizens

By Cherry Sun

Isang litrato ni John Lloyd Cruz habang nakaabang at mistulang bibili ng street food ang usap-usapan ngayon. Hanga kasi ang netizens sa simpleng buhay na pinili ng aktor.

Kahit nakatalikod habang nakatanaw sa pagkain sa gilid ng daan, nakilala ng netizens si John Lloyd. Marami rin ang nagpakita ng suporta at paghanga sa buhay ng aktor ngayon.