Celebrity Life

Marian Rivera, nagbigay ng pamasko sa mga mommies at kids ng Smile Train

By Maine Aquino

Ngayong December 9 ay naging maaga ang pamasko ni Marian Rivera sa mga mommies at kids na parte ng Smile Train.

Ang Smile Train ay ang sinusuportahang charity ni Marian. Ito ay isang non profit organization and charity na tumutulong magbigay ng corrective surgery sa mga kabataang may cleft lips at palates.

"This is the way of giving back sa lahat ng blessings na nakukuha ko sa buhay ko especially ngayon na may junior na ako," ani Marian.

Kinilala rin ni Kapuso Primetime Queen ang pagiging gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

"Maraming salamat po sa inyo at nawa'y patuloy po kayong mga mommies na magsilbing gabay po sa mga anak ninyo. Alam ko po hindi biro ang magpalaki ng anak dahil 'yung iba ang kukulit, grabe na-experience ko 'yan kasi 'yung anak ko ganyan din. Mabuhay kayong mga nanay at tatay na nagmamahal po sa inyong anak. Sana huwag kayong magsawa na alagaan 'yung mga anak ninyo."

Sa huli, nangako si Marian ng kanyang patuloy na suporta. "Palagi niyo pong tatandaan na nandito lang ako for Smile Train, hanggang sa abot ng aking makakaya."