Showbiz News

Marian Rivera, namigay ng regalo na siya mismo ang nagbalot

By Aaron Brennt Eusebio

Sa kanyang pagbisita sa Smile Train noong December 9, namigay ng regalo si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng mga regalo na siya mismo ang namili at nagbalot.

Marian Rivera at Smile Train Christmas Party

READ: Marian Rivera, nagbigay ng pamasko sa mga mommies at kids ng Smile Train

Aniya, ang kanyang pagtulong ay “way of giving back sa lahat ng blessings na nangyayari sa buhay ko specially ngayong taon na 'to very special sa akin bilang pinagkaloob sa akin ng Panginoon 'yung hinihiling namin ng anak kong si Zia, ang magkaroon ng anak na baby boy.”

Inamin din ni Marian na mayroon na silang naisip na pangalan para sa kanilang second baby pero hindi niya ito binaggit.

Panuorin ang buong report ni Cata Tibayan sa Balitanghali: