Celebrity Life

LOOK: Anak ni Jose Manalo, may sweet birthday message para sa kaniyang GF na si Lovely Abella

By Aedrianne Acar

Hindi nakalimutan ng actor/singer na si Benj Manalo na batiin ang pinakamamahal niyang girlfriend na si Lovely Abella sa kaarawan nito.

Lovely Abella

TRIVIA: Meet the multi-talented actor Benj Manalo, son of Dabarkad Jose Manalo

Isang mahabang post ang isinulat ni Benj sa kaniyang Instagram kung saan sinabi nito na nagsisilbing motibasyon niya sa buhay ang Bubble Gang comedienne.

“To this beautiful lady that captured my heart, the girl behind all of my achievements in life, the one who inspires me to be a better person everyday, my undying comfort during my dark days, my daily supply of motivation in life, the best competition I ever have, my enemy, my bestfriend, my lover, my soon to be wife (claiming it) my GODS BEST. ️

“Just wanna say HAPPY BIRTHDAY! May your hearts desire be granted by God, thank you for everything I LOVE YOU SO MUCH. - baby boi #BenLy @lovelyabella_”

Nag-reply naman si Lovely sa post na ito ni Benj at sinabi niya na nagpapasalamat siya na dumating ito sa kaniyang buhay.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos na dumating ka sa buhay ko salamat mahal.”

Ibinahagi naman ni Lovely Abella na hindi biro ang pinagdaanan niya sa kaniyang buhay this 2018.

Kaya sobra niyang na-appreciate ang mga natanggap niyang birthday greetings mula sa mga taong malapit sa kaniyang buhay.

“Its my BIRTHDAY!!!!️️️ This year hindi naging biro ang pinagdaanan ko sa buhay, kaya napakasakit talaga sakin ng taon na to.. pero sa lahat ng mga greetings niyo napasaya niyo ang PUSO ️ ko,kaya maraming salamat po 🏻Maraming salamat LORD sa panibagong taon,ang wish ko lang po Goodhealth esp. sa mga taong mahal ko.. 🏻”