Celebrity Life

WATCH: Anak ni Jose Manalo, may kilig surprise kay Lovely Abella

By Aedrianne Acar

Extra special ang 4th anniversary ng showbiz couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo ngayong Lunes, January 28.

Benj Manalo & Lovely Abella

Kahit busy sa taping ng Bubble Gang si Lovely sa studio ng GMA-7, personal na dinalaw ng anak ni Jose Manalo ang kaniyang girlfried para sopresahin ito.

TRIVIA: Meet the multi-talented actor Benj Manalo, son of Dabarkad Jose Manalo

Heto ang pasilip ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya sa sweet surprise ni Benj Manalo sa Instagram.

Nagpasalamat naman si Lovely sa effort na ibinigay ng kaniyang boyfriend para pasayahin siya sa kanilang anniversary.