Celebrity Life

Chito Miranda to Neri Naig: 'Sinagip mo ako'

By Aedrianne Acar

Maraming na-touch sa mensahe ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda para sa kaniyang asawa na si Neri Naig sa kanilang 4th wedding anniversary.

Chito Miranda

READ: Neri Naig, nagsalita tungkol sa pambababae ni Chito Miranda noon

Sa isang mahabang post sa Instagram, idinitalye ng OPM singer kung paano binago ng asawa ang kaniyang buhay.

Saad ni Chito, malaki ang kaniyang pasasalamat dahil sinagip siya ng kaniyang misis.

Aniya, “Kaya gustong-gusto ko 'tong pic natin na 'to kasi bukod sa nakakatawa, it also shows kung ano ka sa buhay ko dahil talagang sinagip mo ko from myself and my downward spiral of self-destruction. Dati wala akong balak sa buhay kundi ang magbanda, mag-retire, tumira sa beach, magwaldas ng ipon, tapos mamatay kung kelan ko gusto.”

Dagdag niya, “Dahil sa 'yo, nag-iba lahat. You gave me something else to focus on, and a reason for living that is more important than myself.”

Ni-reveal din ni Chito na inalis na niya ang kaniyang mga bisyo para maging maayos ang kaniyang kalusugan.

“Tinigil ko lahat ng bisyo ko, hindi dahil pinagbawalan mo ko, but because I decided na gusto ko maging pinaka-healthiest na kaya ko para maalagaan ko kayo ni Miggy ng maayos at matagal... kasi 'yun ang pinakanagpapasaya sa akin.

“Ngayon, feeling ko I have so much to live for, and everything is so clear and simple.”


Sobra naman kinilig ang dating aktres sa sweet message ng kaniyang mister.

Nagkomento din ang The Clash judge na si Lani Misalucha na naiyak sa anniversary message ni Chito.

Idinaos ang civil wedding nina Chito at Neri noong December 13, 2014 at sa kasunod na araw ay ginawa ang garden wedding ng dalawa sa Tagaytay.