Celebrity Life

WATCH: Paano pinapatakbo ni Maine Mendoza ang kaniyang mga negosyo kahit sobrang busy?

By Aedrianne Acar

Certified trending ang naging Facebook Live event ng cast ng patok na Saturday night sitcom na Daddy's Gurl ngayong Martes ng hapon, January 22.

Maine Mendoza

WATCH: Maine Mendoza on her first sitcom: "Parang hindi ka nagwo-work"

Nakasama ng Kapuso netizens sa kulitan at tawanan sina Phenomenal star Maine Mendoza, Oyo Sotto, Angelika dela Cruz, Kevin Santos, Jelson Bay, Benjie Paras, Chichirita at Chamyto.

Nakigulo din sa Daddy's Gurl stars ang Kapuso singer-actress na si Kyline Alcantara na magiging guest soon sa naturang comedy program.

Sa katunayan nasa top trending topic ang #DADDYSGURLAllAccess sa Twitter Philippines.

LOOK: Jam-packed crowd at the opening of Maine Mendoza's fast food resto

Isa sa mga gustong malaman ng mga fans lalo ay kung papaano napapatakbo ng actress/tv host ang kaniyang mga negosyo.

Matatandaan na noong August 2017, binuksan ng Phenomenal star ang kaniyang fast-food chain sa Santa Maria, Bulacan.

Ayon kay Maine, ang pamilya niya ang ang tumutulong sa kaniya sa usapin ng pagne-negosyo. Wika niya, “Siyempre 'yung iba nagmamanage parents ko tsaka 'yung Ate ko.”

Panoorin ang buong Facebook Live event kasama ang Daddy's Gurl stars sa video below.