Celebrity Life

WATCH: Glaiza De Castro, bakit naisipang magtayo ng travel agency?

By Marah Ruiz

Bukod sa pagiging isang aktres, isang negosyante rin pala si Kapuso star Glaiza De Castro.

Glaiza de Castro

Magtatalong taon na ang Galura Travel Agency, ang negosyong itinayo siya sa suggestion ng kanyang nakakatandang kapatid.

Mahilig din kasing mag-travel si Glaiza at very hands on din sa paghahanda para rito kaya naisipan nila na ito ang perfect na business para sa kaniya.

"Ako kasi lahat eh. Ako lahat nag-aasikaso. From booking ng plane tickets, ng accommodation, ng activities, gusto ko nakadetalye lahat," pahayag niya.

"'Yung itenerary, ako talaga nag-aasikaso. I even go to the embassy pa sa mga visa," dagdag pa niya.

Para sa ibang pang pinagkakaabalahan ni Glaiza, panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay:

WATCH: Glaiza De Castro, naghahanap ng tahimik na buhay sa Baler

WATCH: Glaiza de Castro, na-in love sa kanyang Irish boyfriend dahil sa isang kanta?