Celebrity Life

WATCH: Ice Seguerra at Liza Diño, ibinahagi ang schedule ng kanilang IVF procedure

By Marah Ruiz

Minsan nang naihagi ng mag-asawang sina Ice Seguerra at Liza Diño na sasailalim sila sa IVF o in-vitro fertilization procedure para magkaroon ng anak.

Liza Diño at Ice Segurra

Tunay na collaboration sa pagitan nilang dalawa magiging procedure dahil egg cells ni Ice ang gagamitin at ii-implant sa sinapupunan ni Liza ang magiging fertilized egg.

Paano nga ba nila napagdesisyunan ito?

"Tinaong niya ako. Sabi niya, 'What if magkakaroon tayo ng plans to have a baby? Will you carry my baby but its my egg?'

“It took a while for me to really grasp it.

“Pero doon ko nakita na parang oo nga naman, I would want him to experience having somebody na your own flesh and blood talaga," kuwento ni Liza.

Mangagaling naman ang sperm cell mula sa isang anonymous donor.

"It's an anonymous sperm. Meron isang cryobank in the US. It's actually online. Nandoon 'yung profiles [ng donors]," paliwanag ni Liza.

"May picture, medical history, everything that you need to know about the person," dagdag naman ni Ice.

Sa ngayon, na harvest na raw ang egg cells ni Ice. Sa December 2019 naman daw ii-implant ang mga fertilized egg cells kay Liza.

Alamin ang iba pang detalye ng IVF procedure nina Ice at Liza sa feature na ito ng programang Tunay Na Buhay:

READ: How much will it cost Ice Seguerra and Liza Diño to have a baby?

WATCH: Ice Seguerra at Liza Diño, ikinuwento ang katauhan ng napili nilang sperm donor