Showbiz News

READ: How much will it cost Ice Seguerra and Liza Diño to have a baby?

By Nherz Almo

Marami raw dahilan kung bakit umalis na sa gobyerno ang dating National Youth Commission chairperson na si Ice Seguerra.

Ice Seguerra and Liza Diño

Ngunit sa ginanap na press conference ng pre-Valentine concert nila ni Nyoy Volante kahapon, January 29, nagbigay ng dalawang malaking dahilan--una, ayaw na niya ng pulitika; pangalawa, gusto niyang pagtuunan ng pansin ang plano nila ng kaniyang asawang si Liza Diño na magkaanak.

Sa unang dahilan, sinabi ng 35-year-old singer na sa kaniyang halos dalawang taong paninilbihan bilang NYC chair, napag-alaman niyang, “Hindi ako pang-government.”

Paliwanag ni Ice, “I like the public service part. But, of course, when you say the government, it goes both way, e--public service and the politics. So the politics part, I do not like.”

Ayon pa sa kaniya, mas matindi raw ang intriga sa gobyerno kumpara sa showbiz, na kaniyang kinalakihan.

Paglalahad ni Ice, “Mas malala, definitely, ang intriga ng politics because it concerns national interest.

“I mean, hindi ko minamaliit ang showbiz, but if we compare lang the degree.

“Ito [showbiz], siyempre, kapag inintriga ka… 'Di ba, naintriga ako na nangupit daw ako, nakakatawa isipin pero nakakabuwisit din kasi…

“Siguro sa tinagal-tagal ko sa trabaho na 'to, more than 30 years in the industry already, if there's one thing that I'm proud of, it's my name.

“Yung pangalan ko, hindi ako galing sa angkan ng mga artista, hindi ako nanggaling sa kilalang pamilya.

“But I'm still here because I make sure that every job I do, I give my 100 percent or more.

“Parang nakakainsulto to hear my name in all these politics and you hear things about you which are not true.”

Kaya naman daw sa huli, napagtanto ni Ice, “It's not my game. Siguro I needed to know that first hand.

“Kasi, ako 'yung tipo ng tao na ayaw ko ng what ifs, e. Gusto ko 'yung nasusubukan ko, 'tapos kapag nandun ako parang sabihin kong, 'Ah, hindi ito para sa akin.'

“Siguro, it's easier for me to accept it and just move on kasi napagdaanan ko na.”

Sa kaniyang ikalawang dahilan, sinabi ni Ice na nawalan din siya ng oras para sa kaniyang pamilya nang manungkulan bilang NYC chair.

Kuwento niya, “I also miss my wife. Siyempre, she's also in the government, there are times… Alam n'yo naman 'yon na we're always together.

“'Tapos, biglang noong pumasok kami, wooh, biglang 'di na kami nagkikita.

“'Tapos parang after ng event niya or after ng work namin, pareho kaming pagod.

“So, pag-uwi namin, tulog na kami. Ayaw ko ng ganun, ayaw kong ma-sacrifice 'yung relationship namin.

“Siyempre, we love our country, but siguro nga someone has to give way because as much as I love my country, I love my relationship with my wife. I do not want to sacrifice that.

“I think enough na 'yung may isang nagsisilbi sa gobyerno and tama lang din na I'm back with what I'm doing and taking care of my family rin naman.”

Inamin din ni Ice na hindi magiging sapat ang sweldo niya bilang NYC chair para maisakatuparan ang plano nila ni Liza na magkaanak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Aniya, “I'm not getting any younger, pangarap namin ng asawa ko since we got married is to have another kid.

“Siyempre, alam naman natin na we cannot conceive nang normal.

“It takes money to do that. So if I stay in government, we won't be able to do that.”

Kamakailan lang ay sumailalim na si Ice sa tinatawag na “egg harvesting.”

READ: Ice Seguerra and Liza Diño start journey to have a baby

May napupusuan na rin daw sila ni Liza Diño na potential sperm donor.

READ: Ice Seguerra at Liza Diño, napupusuan na si "Superman" bilang sperm donor

Kasunod nito ay ang fertilized embryo transfer, kung saan ipagbubuntis ni Liza ang magiging anak nila ni Ice.

Dahil sa dami ng gagawing proseso, hindi naiwasang tanungin si Ice kung mahal ang kanilang gagastusin.

Agad na sagot ni Ice, “Yes!”

Ayon sa Kato Repro Biotech Center, na nagsasagawa ng in vitro fertilization dito sa bansa, ang isang Drug Free (Natural Cycle) IVF Cycle ay nagkakahalaga ng PhP 200,000. Kasama na sa IVF package na ito ang egg retrieval/harvesting, IVF with or without ICSI, embryo culture, at embryo transfer.

Bukod pa rito ang gagastusin para sa proseso ng pagkuha ng sperm donor, na umaabot sa humigit-kumulang $1000, ayon sa website ng isang sperm bank sa California.

Sa huli tinanong si Ice kung may milyon na ang halaga ng kanilang prosesong pinagdaanan?

“Sa ngayon, wala pa ro'n,” nakangiting sagot ni Ice.