Celebrity Life

WATCH: Pia Wurtzbach, first-ever Pinoy na ginawan ng wax figure

By Cara Emmeline Garcia

Mamamalik-mata ka sa unang tingin dahil dalawang Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang makikita mo.

Pia Wurtzbach

Mula sa buhok, ngipin, kutis, pati na pores, kuhang-kuha ang bawat detalye ng anyo ni Pia sa wax figure niya na ginawa ng Madame Tussauds.

Ayon kay Pia, “Lumabas kami sa natural light kasi iba pala ang kulay ng hair natin sa harap, sa likod, pati sa ilalim.

“So, lahat yun tinignan nila, pati sa color ng mata ko.

“Yung dental impression ko, kinuha pa nila sa dentist ko.”

Inabot daw ng anim na buwan ang paggawa sa imahe ng former beauty queen.

Para kay Pia, isang karangalan ang mapili para mag-represent ng Pilipinas sa international scene.

Aniya, “It's really a great honor to represent always the Filipinos even after I passed the crown already.

“The kind of message this sends out is that we're being recognized worldwide first of all.

“That finally people will know more about Filipinos and it sends out the message that there are Filipinos around the world.”

Ayon sa world-renowned wax museum, ang Miss Universe 2015 title holder ang kauna-unahang Pinoy na may wax figure at i-didisplay ito sa Madame Tussauds sa Hong Kong kasama ng iba pang wax figures tulad nina Queen Elizabeth II, Barack Obama, at iba pang Hollywood celebrities.

Panuorin ang buong chika ni Nelson Canlas:

LOOK: Pia Wurtzbach's wax figure is in Manila!