Celebrity Life

LOOK: Joyce Pring surprises Juancho Triviño on his birthday

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 10, 2019 11:10 AM PHT
Updated April 10, 2019 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Joyce Pring's birthday surprise for Juancho Trivino was filled with so much kilig! Watch here:

Patuloy pa rin ang pagpapakilig ng #juanchoyce!

Juancho Trivino and Joyce Pring
Juancho Trivino and Joyce Pring

Sinorpresa ni Unang Hirit host Joyce Pring ang kaniyang co-host at manliligaw na si Juancho Triviño sa Tagaytay upang ipagdiwang ang ika-26 na kaarawan nito.

Naghanda si Joyce ng selebrasyon kung saan nakasama nila ang malalapit na kaibigan ni Juancho at ang kaniyang pamilya.

LOOK: Juancho Triviño surprises Joyce Pring at the airport

"Ayun na nga, nabawian na naman ako. Sinabi sa akin ng handler ko na may event raw ako sa Tagaytay ng April 6, may script pang na-send s akin at lahat-lahat, so akala ko totoo," saad ni Juancho sa kaniyang Instagram post.

"Pag punta ko, andon na pala lahat ng mga kaibigan ko at pamilya ko.

"She has been wonderful to me and more than anything I love and appreciate the small and even grand gestures like this from the both of us 'cause it makes us happy and life is too short to always be stressed.

"So maraming salamat @joycepring for my birthday bash it was wonderful!!!"

WATCH: Paano manligaw si Juancho Trivino kay Joyce Pring

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino) on

Sa hiwalay na Instagram post, ikinuwento rin ni Joyce kung paano niya plinano ang kaniyang sorpresa.

"Binook ko sa RM ni Juancho na si Kuya Rap yung weekend niya for an 'event' para masurprise namin siya ng mga mahal niya sa buhay," sulat ni Joyce.

"'Tapos sinabi ko may Dubai ako para wala talaga siyang clue. Nagpagawa pa ako ng poster ng kunwaring event ko.

"Pati nagpunta sa airport para makapag stories na nasa loob ako ng departure area.

"Sumulat din ako ng 'script' niya for his 'event' with matching email from an 'event organizer.'"

Dagdag ni Joyce, nag-practice pa ng kaniyang spiels si Juancho habang nakaharap sa salamin.

"Nag-text sa akin yung Mommy ni Juancho nung mga hapon na of the part, sabi sa akin, 'Pagbaba ko sa sala naka harap sa mirror si Cho nag pa-practice ng spiels niya for his event.

"Surpise, Juanchoy! Malapit na talaga, konting hintay na lang... malapit na birthday mo."

Binook ko sa RM ni Juancho na si Kuya Rap yung weekend nya for an “event” para masurprise namin sya ng mga mahal nya sa buhay. Tapos sinabi ko may Dubai ako para wala talaga syang clue. Nagpagawa pa ako ng poster ng kunwaring event ko. 🤣 Pati nagpunta sa airport para makapag stories na nasa loob ako ng departure area. 🤪 Sumulat din ako ng “script” nya for his “event” with matching email from an “event organizer”. 😂 Nag text sakin yung Mommy ni Juancho nung mga hapon na of the party, sabi sakin, “pagbaba ko sa sala naka harap sa mirror si Cho nag pa-practice ng spiels nya for his event.” 🙈🤣 Hahahahahahaha Surprise, Juanchoy! Malapit na talaga, konting hintay nalang... malapit na birthday mo. 🤣🤗

A post shared by Joyce Pring (@joycepring) on

IN PHOTOS: #JuanChoyce: Juancho Trivino and Joyce Pring "love" story

Happy birthday, Juancho!