Celebrity Life

WATCH: Kris Bernal, nag-jeep para mag-deliver ng lipsticks sa isang customer

By Cara Emmeline Garcia

Ibang level ang service ng SHE Cosmetics ni Kapuso actress Kris Bernal!

Maliban sa pagiging hands-on sa kanyang business, minsan ay siya pa mismo ang nagde-deliver ng items sa kanyang customers.

Sa kanyang recent YouTube vlog, dumayo ang aktres sa Welcome Rotonda para mag-deliver ng 50 lipsticks sa isang reseller.

Pero imbes na mag-drive siya papunta roon, naisip nitong mag-commute na lamang gamit ang jeepney.

Aniya, “Ngayon may surprise delivery tayo pero to the next level na kasi magko-commute ako.

“Ita-try kong mag-jeep na matagal ko nang hindi nagagawa.”

Habang nakasakay ay nakausap ni Kris ang ilang fans at naging barker pa ng jeep para tumawag ng mga pasahero.

Nang makarating, sinorpresa at nakilala nang personal ng aktres ang kanyang customer at ang anak nito na big fan ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-deliver si Kris.

Noong Hulyo, inamin ng aktres sa isang vlog na maraming beses na siya mismo ang naghahatid ng lipsticks sa kanyang mamimili.

Sambit nito, “Sa totoo lang hindi ito 'yung first surprise delivery ko. Siguro marami na akong nagawa, mga five to eight -- surprise lang 'yun.

“Kasi 'pag Quezon City, madalas pinupuntahan ko rin.”

WATCH: Kris Bernal surprises a fan at her home!

READ: Kris Bernal thanks everyone who helped retrieve her account after hacking incident