Celebrity Life

READ: Sharon Cuneta, nag-beast mode nang tawaging 'toxic mom' kay KC Concepcion

By Aedrianne Acar

'Tila may hindi pagkakaunawaan sina Megastar Sharon Cuneta at panganay niyang anak na si KC Concepcion, matapos mag-reply ang veteran actress sa bashers niya sa Instagram.

Sharon Cuneta

Base sa mga palitan ng messages ni Sharon sa ilang netizens, ni-reveal nito na hindi sila ngayon on speaking terms ng anak niya kay Gabby Concepcion.

Gabby Concepcion to daughter KC: "I will always be here for you."

Sa isa niyang post sa Instagram, naging mainit ang palitan niya ng mensahe at ng isang netizen matapos siya sabihan na “toxic mom” kay KC.

Saad ni @itstherealaura, “I can't blame KC if she distances herself from you even for a while. You've been a toxic mom lately.

“Hindi po lahat ng sama ng loob sa anak pino-post in public to read/know. Bigyan mo naman ng kahihiyan anak mo.”

Nag-iwan din ito ng babala kay Sharon na ang kanyang ginagawa ay maaaring makaapekto sa relasyon ni KC sa mga kapatid niya kay Senator Kiko Pangilinan.

“Sige ka, 'pag lumayo naman loob ng mga anak mo kay Kiko, kay KC, ikaw ang may sala. Give yourself a break, tita!”

Agad naman tumugon si Sharon na “huwag magmarunong” ang netizen, dahil hindi nito alam ang buong pangyayari.

Ani Sharon, “@itstherealaura kaya nga ako nag-post kasi sinagot ko lang ang post niya. She hasn't texted either. And believe me- you have NO IDEA what's going on so huwag magmarunong.”

“BTW mas lalong 'di dapat binibigyan ng kahihiyain ng anak ang magulang,” dagdag pa ni Sharon.

Lalo pang nagalit si Sharon nang isang basher ang nagkomento pa sa isa pa niyang post sa IG.

Ayon kay @highlands1553, magmumukhang may pagkukulang daw si Lola Elaine Gamboa sa mga patutsada ni Sharon kay KC.

“You shouldn't be surprised at the kind of relationship (?) you have with your eldest daughter KC (I think she's still your daughter, no?)

“You weren't around pretty much her growing up years because you were sleeping around with your leading men and not so “leading men.”

“Your MOM, KC's Lola, did a great job of raising her. If you don't even like KC now, you should blame her upbringing on your Mom. But she turned out great so kudos to her Lola.”

Ipinagtanggol ni Sharon ang sarili mula sa sumbat ng basher at sinabi na kaya hindi siya ang nagpalaki kay KC dahil todo kayod siya sa pagtatrabaho para sa future nito.

Paliwanag ng multi-awarded performer, “I worked to put food on our table because no one was helping me. My Mom (Elaine) and Dad (former Pasay mayor Pablo Cuneta) helped raise because I had to work.

“Parang mga OFW kahit ayaw lumayo sa anak nagtatrabaho. Nasaan siya ngayon kung 'di ako nagtrabaho?”

“And I didn't depend on my Dad and Mom except to take care of her while I was breaking my back and having no sleep to prepare for her future.”

Hinamon din niya ang kanyang basher na huwag na itong pumunta sa kanyang social media account kung ayaw nito ang kanyang mga pino-post.

“You can't stand me but you can't leave me alone when you have no idea what's going on. And you better thank God I'm not talking about what really happened.

“You and your fake accounts. Pabalik-balik ka lang. Get a job. Get a life.”