Showbiz News

Sharon Cuneta, sinagot ang basher na nagsabing lagi na lang pinupuna ni Sen. Francis Pangilinan ang gobyerno

By Aedrianne Acar

Hindi nagpatumpik-tumpik si "Megastar" Sharon Cuneta para ipagtanggol ang kanyang asawa na si Senator Francis Pangilinan sa isang basher na wala daw itong ginawa kundi mag-criticize lang sa gobyerno.

READ: Sharon Cuneta, nag-beast mode nang tawaging "toxic mom" kay KC Concepcion

May isang netizen kasi ang nag-komento sa Instagram post ni Sharon na proud siya sa ginagawa ng kanyang anak kay Gabby Concepcion na si KC na abala sa pagtulong habang may COVID-19 crisis.

Sabi ng basher sa asawa ni Megastar, "Sana ganyan lang din ang ginagawa ng asawa mo kesa mag-criticize ng magcriticize sa government."

Reply naman ni Sharon na hindi daw gusto ng asawa niya na ipamalita ang ginagawa niyang pagtulong sa iba.

Aniya, "Hindi kasi mahilig sa press release ang asawa ko. Lahat naman kami. Malalaman niyo din.

"And sana puwede magdasal na muna tayong Lahat?"

Dagdag pa ng multi-awarded actress/singer, "Pagkatapos ng COVID sige bash lang. Pero sa ngayon di nakakatulong kahit isang iota ang mga tulad nyo na wala naman alam sa ginagawa ng asawa ko para makatulong."


Base sa huling datos mula sa Department of Health (DOH) mayroong 3,018 COVID-19 cases na sa bansa at 52 naman ang naka-recover.